Anu Po Ang Boud Ng Kabanata 15 Sa Noli Me Tangere

Anu po ang boud ng kabanata 15 sa noli me tangere

Ang dalawang bata ay nasa tore ng simbahan ng San Diego, naatasan kasi silang tugtugin ang agunyas. Dito naglabas ng hinaing si Crispin sa nakatatandang kapatid, aniya sana nasa bahay na lamang siya dahil doon walang mamimintang sa kanya na siya ang magnanakaw at wala ring mamalo sa kanya. Sabi pa ng bata, sana'y nagkasakit na lamang siya upang maalagaan ito ng kanyang ina at hindi na siya pabalikin ng kumbento. Subalit ayon naman sa kanyang kuya, hindi maaari ang nais niya sapagkat kung magkagayon man, mamatay silang lahat sa gutom. Habang ang magkapatid ay nag-uusap, biglang dumating ang sakristan mayor, sinabi nito (sa galit na tono) kay Basilio na pinapatawan niya ito ng dalawang real (at alas diyes na ito makauuwi, sa halaip na alas otso) dahil sa walang kumpas na pagpapatugutog nito ng kampana, at ang nakababatang kapatid naman ng tinukoy, aniya, ay maiiwan sa gabing iyon hangga't hindi nito nailalabas ang salaping diumano'y ninakaw niya. Nakiusap ang nakatatandang kapatid subalit wala itong nagawa. Kinaladkad pababa ang nakababatang kapatid ni Basilio. At habang tumatakas siyang paalis ng kumbento, naririnig niya ang puno-ng-hinagpis-at-pasakit na sigaw ng kapatid, subalit wala itong magawa. Ang kapatid namang namimilit sa sakit at panay ang sigaw ay patuloy na pinahihirapan ng Kura at ng Sakristan Mayor. Paglipas ng ilang sandali, sa isang lansangan ng bayan, may maririnig na mga tinig at umaalingawngaw na dalawang putok


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng 7 Awit Ng Ibong Adarna(Di Po Yung Colors Ah.. Yung Awit Mismo)

Supernaturals Believe It Or Not?

Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Kabanata 36 Sa Noli Me Tangere?