Kahulugan Ng Salitang Talastasan?
Kahulugan ng salitang talastasan?
Ang isang salita na kasingkahulugan ng talastasan ay negosasyon o usapan.
Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan may dalawa o higit pang panig na may magkakaiba o magkasalungat na mga paninidigan.
Sa pamamagitan ng talastasan, nagkakaroon ng pagpapalitan ng ideya, kuro-kuro, at impormasyon ang mga partidong kasali.
Kung malaya at may sistema ang pakikipag-komunikasyon ng dalawang panig, maari nilang masolusyunan ang suliranin na kinahaharap nila. Ang bawat panig na pumapasok sa isang talastasan ay kailangang maging handang makinig at magkaroon ng bukas na isipan upang hindi makabastos.
Maari silang magkasundo sa ilang bagay o maari nilang tanggapin ang ilan suwestiyon kung saan magkakaroon ng pakikipagkompromiso ang magkabilang panig sa bawat isa.
Ang talastasan ay madalas na ginagamit sa pagitan ng mga sumusunod:
- amo at empleyado
- kumpanya at unyon ng mga manggagawa
- magulang at anak
- guro at mag-aaral
- mga organisasyon na magkaiba ang pinaniniwalaan o paninindigan
Comments
Post a Comment