Natutunan Sa Araling Fraternity At Gang

Natutunan sa araling fraternity at gang

PAGLAHOK SA FRATERNITY O GANG

Ang araling ito ay kabilang sa pag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Modyul 14: Karahasan sa Paaralan. Tinalakay dito ang kahulugan ng Pambubulas o Bullying, Uri ng Pambubulas, Epekto ng Pambubulas, Solusyon sa Pambubulas, Gang at Fraternity, Pagmamahal, Paggalang, at Respeto sa Sariling Buhay at sa Kapwa.

Bilang panlipunang nilalang, likas sa atin ang pagnanais na mapabilang. Ang usapin na lamang ay kung anong uri ba ng pangkat ang iyong ninanais na kabilang o sa kasalukuyan ay kinabibilangan. Katulad ng lumalalang suliranin sa pambubulas ay ang paglago rin ng bilang ng mga kabataan na kabilang sa fraternity at gang maging sa loob ng paaralan. Sa kasalukuyan, ang gang ay mas bata, mas marahas, walang takot at higit sa lahat mayroon ng mga kababaihan.

Ano ang kahulugan ng gang?

Ang gang ay isang pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal na ang tanging layunin ay makilahok o sumali sa masasamang gawain o mga krimen at gumagamit ng karahasan o intimidation upang maisagawa ang mga ito.  Hindi maganda ang dulot ng layunin ng kapatiran na ito.

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa ibig sabihin ng gang at ang pagkakaiba nito sa fraternity, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/1380530

Ano ang kahulugan ng fraternity at ang mga katangian nito?

Ang fraternity naman ay isang panlipunan o akademikong organisasyon o samahan na ginagamit ang alpabetong Griyego na batayan sa kanilang mga pangalan. Malaya ang lahat ng mga kasapi nito na makilahok o makisama na hindi tinitingnan ang katayuan sa lipunan patungo sa makabuluhang layunin. Palaging ginagabayan ang mga kasapi nito ng kahalagahan ng pagbibigayan ng suporta sa isat isa.

Ngunit lumalawak ang ganitong samahan dahil ang mga kasapi nito ay naniniwalang "cool" ang maging kasapi nito. Nahihimok sila dahil sila ay pinangangakuan ng proteksiyon at lakas o impluwensiya at pinaniniwalang ang kanilang pakikiisa ay para sa kanilang kapakanan. Mahalaga ang kaalaman na ito tungkol sa fraternity at gang upang mas maging madali para sa iyo ang magpasiya sa pag-iwas na mapabilang sa ganitong pangkat.  

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa ibig sabihin ng fraternity, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/963587

Ano nga ba ang natututunan at epekto ng pagsali sa isang fraternity?

Ang pagsali sa gang sa loob ng paaralan ay isa sa mga sagabal sa pag-aaral ng mga kabataan. Nakalilimutan na rin ng mga kasapi nito ang paggalang sa mga nasa kapanyarihan dahil ang mas marami sa kanila ay naniniwalang walang sinuman ang mas makapangyarihan sa kanila. Malawak ang maaaring maging pinsala ng patuloy na pagdami ng mga kasapi ng fraternity at gang. Kung kaya ay nararapat lamang na maging malawak din ang pagkilos upang ito ay mapigilan o mas nararapat masugpo.  Ang solusyon sa pagsugpo ng karahasan sa mga kabataan ay pagmamahal, paggalang, at reporto sa buhay ng tao. Lahat ng tao ay mahalaga at pantay - pantay sa paningin ng Panginoon. Tayo ay mahal nya at lahat ay tinawag upang magmahal din ng sarili at ng iba.

Para sa mga karagdagang impormasyon ukol sa epekto nito sa mga kabataan, maaaring pumunta sa pahinang ito: brainly.ph/question/188233


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Ibig Sabihin Ng 7 Awit Ng Ibong Adarna(Di Po Yung Colors Ah.. Yung Awit Mismo)

Supernaturals Believe It Or Not?

Mga Mahahalagang Pangyayari Sa Kabanata 36 Sa Noli Me Tangere?